7 Mga Benepisyo Ng Pag-inom Ng Maligamgam Na Tubig Sa Umaga

Ang malaking kahibangan sa pagpapanatili sa katawan na may sapat na tubig ay dumating at nawala. Di na tayo puwersadong lumagok ng galon-galong tubig dahil kailangan. Naging malinaw na ang pag-inom ng sobrang tubig ay maaari rin makasama sa'yo. Kaya, alam mo na, maging malaya na hindi maging baliw tungkol sa iyong pagkonsumo ng tubig.

Gayunman, baka gustuhin mong ikonsidera ang mga benepisyo ng pag-inom ng maligamgam na tubig sa umaga. Bakit maligamgam na tubig bilang partikular? Masaya ako na naitanong mo, dahil ang artikulong ito ay isinulat tungkol sa mga benepisyo ng pag-hydrate ng katawan sa ganitong paraan!

source

1

Pagpigil sa maagang pagtanda

Ang presensya ng mga toxin sa katawan ay maaaring magpabilis sa iyong pagtanda, habang ikaw ay nagiging mas delikado sa mga karamdaman. Kaya i-flush ang mga ito papalabas sa pamamagitan ng maligamgam na tubig. Ang pagha-hydrate nito ay maaari ring magsaayos ng mga selula ng balat, na humahantong sa pagkadagdag ng pagiging nababanat ng balat.

source

2

Pagbawas ng kirot

Ang maligamgam na tubig ay kayang bawasan ang sakit dulot ng mga cramps sa pagreregla dahil pinakakalma nito ang mga kalamnan sa tiyan. Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng sirkulasyon sa maliliit na ugat at pagpapakalma ng mga kalamnan sa katawan, ito rin ay nakakatulong sa pagpapaginhawa ng iba pang mga pulikat.

source

3

Pagbabawas ng timbang

Pinatataas ng maligamgam na tubig ang temperatura ng katawan, na nakakapagpabilis sa iyong metabolic rate. At ito ay humahantong sa isang mas mabilis na pagsunog ng calorie sa umaga. Ang maligamgam na tubig na may limon ay makakatulong sayo na kontrolin ang paghahangad ng pagkain dahil sa pectin fiber na nasa limon.

source

4

Pagpapabuti ng panunaw

Iyong baso ng maligamgam na tubig sa umaga ay magpapasigla sa iyong digestive system. Sa kabilang banda, ang pag-inom ng malamig na tubig pagkatapos kumain ay maaaring maging kabaliktaran dahil pinatitigas nito ang mga mantika at taba sa pagkain. Ang mga deposito ng tabang iyon ay maaaring magpahirap sa pagtunaw.

source

5

Pagpapabuti sa sirkulasyon ng dugo

Uminom ng isang basong maligamgam na tubig upang linisin ang mga naipong deposito sa nervous system at mga deposito ng taba sa katawan, i-flush palabas ang mga toxin, at tulungan paluwagin ang mga kalamnan, na kung saan ang lahat ay nakakapagpabuti sa daloy ng dugo.

source

6

Makatutulong sa hirap sa pagdumi

Ang kakulangan sa tubig sa ating katawan ay maaaring magdulot ng kakaunti o walang duming lumalabas. Maligayang pagdating sa constipation station! Gayunpaman, ang pag-inom ng isang baso ng maligamgam na tubig sa umaga bago ka kumain ng anumang bagay ay talagang makakapagpabuti sa paggalaw ng iyong dumi.

source

7

Paghikayat ng antok

Panatilihin ang paghigop ng maligamgam na tubig sa oras ng pagkain - lalong lalo na sa oras ng hapunan - at bago ka matulog. Ito ay makatutulong sa pagpapakalma ng iyong katawan, at ang pagtulog ay darating ng mas madali.

source

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz