6 Na Mga Paraan Para Mapabuti Ang Immune System Ng Anak Mo

Ah, mga bata, ang naglalakad na mga sakunang pangkalusugan ay naghihintay lamang na mangyare! Mula sa mga gasgas sa tuhod at mga daliri mula sa saksakan ng kuryente hanggang sa lahat ng uri ng impeksyon na nakukuha nila bawat taon, tila ba ito'y halos isang gawain ng tanga na panatilihin ang isang bata na matipuno at malusog, at hindi nagdurugo. Ito'y hindi para sabihin na huwag mong subukan o ang lahat ng pagsisikap mo ay palaging mapupunta lamang sa wala. Isang bagay na dapat isaisip na ang pag-iwas ay magandang paraan para maiwasan ang pagdanas ng sipon at iba't ibang mga bagay na walang kabuluhan. Kung gusto mo na ang iyong anak ay manatiling malusog (nang siya'y maaaring lumabas at masaktan sa pag-akyat ng puno o anuman), dapat mapalakas ang kanilang immune system, at mayroon tayong ilang paraan para lang diyan! [[I-share]]

1

Magandang diyeta

Ang intolerance sa pagkain, mga additibo, mga preserbatibo, at asukal ay maaaring makaapekto sa immune system ng isang bata. Ang mga allergy ay nakahahadlang sa pagtunaw, sanhi ng pamamaga at ang pag-alis ng mga impeksyon ay mas mahirap. Ang mga aditibo at preserbatibo, ay hindi nakatutulong, at ipinapakita ng asukal sa mga pagsubok na talagang sinusugpo nito ang immunity. Iyan ang dahilan kung bakit ang isang bata ay dapat kumain ng mas maraming sariwang gulay, prutas, mani, buto, legume, itlog, at karne.

source

2

Panatilihin ang microbiota

Ang probiotics ay ang mabuti at matulunging bakterya na natural na nasa ating bituka, na nagpro-protekta sa ating mga digestive tract, tinutulungan na magtunaw ng ating pagkain, pagtulong sa paglinis ng lason, at iba pa. Maari silang makompromiso - lalo na sa pamamagitan ng antibyotikong paggagamot - na humahantong sa kawalang-tatag ng immune system. Iyang dahilan kung bakit inererekomenda na bigyan ang mga bata ng mga probiotic supplement - na may lactobacillus at bifidobacteria na mga strain ng maaga. Nang nakadepende sa edad, ang dosis ay sa pagitan ng 5 at 20 bilyong mga colony-forming unit (CFUs) kada araw.

source

3

Bawasan ang stress at pagkabalisa

Kahit ang mga bata ngayon ay naiistress na, at ang kanilang katawan ay tumutugon sa paggawa ng mas maraming cortisol at adrenaline, tulad sa matanda. Hindi ito nakakatulong sa immune system, kaya dapat mong tulungan mag-relaks ang mga bata. Bigyan mo sila ng oras para maglaro, pati na rin ang mahabang pagpapahinga.

source

4

Tamang oras ng pagtulog

Kailangan ng mga bata ng 10-hanggang-14 na oras ng pagtulog kada araw - at nangangahulugan iyong ng kalidad at pagtulog na patay ang ilaw na nagpo-produce ng mga sleep hormone. Dapat mo ring tanggalin sa saksakan ang mga elektronikong aparato sa kanilang kwarto sa ladahilanan na ang mga ito ay nagpakita na nakakaapekto sa kalidad ng kanilang tulog.

source

5

Tandaan ang lagnat

Ang lagnat ay isang senyales na ang katawan ay nakikipaglaban sa impeksyon, at hindi ito masamang bagay. Samakatuwid, hindi mo kailangan makipaglaban sa kaunting pagtaas ng temperatura – kailangan ito ng katawan para labanan ang isang sakit. Gayunpaman, dapat ka parin magpasuri sa isang doktor para makita kung walang higit pang seryosong mga bagay ang nagdudulot ng lagnat.

source

6

Mga suplemento at herbal na gamot.

Ang bitaminang D at zinc ay kamanga-mangha sa pagpapalakas ng immune system. Samantala, iyong mga nakakadiring impeksyon sa respiratory track ay nagagamot ng maigi gamit ang elderberry at astragalus. Ang langis ng isda, bitaminang C, at ang mga nettles ay maganda sa paggamot ng mga allergy. Gayunpaman, palagi ka dapat na magpakonsulta sa isang physician bago mo bigyan ang iyong mga anak ng bagong herbal na gamot o mga suplemento.

source

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz