10 Mga Sintomas Na Hindi Mo Dapat Ipagsawalang-Bahala

Karaniwan nating alam kapag tayo ay nagkakasakit. Masama ang pakiramdam natin – buweno, mas malala kaysa sa pangkaraniwan, sa ano't ano pa man - at ang balat natin ay nagbabago ng kulay, siguro kahit ang pagkakaroon ng bukol o ano pa man. Mayroon din tayong mataas na temperatura ng katawan at iba't ibang mga nakakadiring bagay na umaagos mula sa parte ng katawan na hindi naman dapat. Ah, at saka may pananakit din - napakaraming klase ng pananakit! Sa ganoong paraan natin nalalaman na tayo'y may karamdaman.

Subalit, ilan sa mga sintomas ay higit na mapanira nang palihim. Maaaring sila ay masyadong maliit para mapansin o napakadaling ipagsawalang bahala tulad ng pagbabago ng hugis ng buwan o ano pa man. Pero ang mga sintomas na iyon ay marahil ang mga bagay na dapat na pinakainaalala mo. Heto ang 10 na hindi mo dapat na hindi pansinin kahit kailan.

1

Misteryosong pagbaba ng timbang

Ang sinasadyang pagbabawas ng timbang ay mahirap, pero kapag nagsimula kang mabawasan ng timbang nang walang dahilan, dapat ka mag-alala. Kung nabawasan ka ng 5 porsyento ng bigat sa iyong katawan sa loob lamang ng anim na buwan / kalahating taon nang hindi nagdidiyeta, mabuting magpa-check up. Ito ay isang espesyal na nakakabahalang senyales kung mas fatigue ang nararamdaman mo o pagod kaysa sa pangkaraniwan. Maaaring ipakita ng pagbaba ng timbang na ikaw ay may mga problema sa tiyan, hirap mag-absorb ng mga sustansya, sobrang aktibong thyroid, hindi pa nada-diagnose na diabetes, depression o maging kanser.

source

2

Mga pangangapal at bukol

  • Maaaring alam mo na ang mga bukol sa suso at bayag ay kilalang mga dahilan para pumunta sa isang doktor, ang mga bukol sa ibang parte ng katawan ay hindi rin dapat na ipagsawalang-bahala. Maaaring hindi kanser ang mga ito, pero maaaring kailanganin mo parin ng biopsy para malaman kung anong mali. Ang malambot na bukol ay maaaring resulta ng hernia, kung saan ay isang bagay rin na dapat mong ipagamot. Ang pangangapal ng balat ay maaaring madama sa pamamagitan ng paghaplos ng daliri sa ibabaw ng parte ng katawan at nararamdaman na ang mga tisyu sa ilalim nito ay nangangapal at matigas.

source

3

Pananakit ng dibdib

Nakakabigla, alam ko: ang mga pananakit ng dibdib ay maaaring mangahulugan ng masamang bagay tulad ng atake sa puso, pamumuo sa loob ng baga, o maging ang gayong makamundong mga bagay tulad ng tiny rib muscle spasm o rib cartilage inflammation. Ito rin ay maaaring dulot ng acid reflux - heartburn - na kung saan ay napapagkamalang atake sa puso sa 20% ng mga kaso. Maging ang mga doktor ay nahihirapan na sabihin ang pagkakaiba! Subalit, ang pananakit ng dibdib o paninikip ay hindi dapat na baliwalain, lalo na kapag ang pakiramdam ay hirap sa pananakit, nasusunog o masikip na presyur, o pakiramdam na tulad ng sa isang yakap ng oso.

source

4

Pagbabago sa nakagawiang pagbabawas

Ang katatawanan sa dumi ay maaari kang iligtas kung nagagawa nitong padaliin para sa'yo na pag-usapan ang tungkol sa bowel movement. Ang bowel cancer ay pumapatay maging ng mas bata kaysa dati, kaya ingatan na mapansin ang anumang paulit-ulit na pagbabago sa kung gaano ka kadalas dumumi, o pagbabago sa nito, tulad ng constipation o diarrhea. Pumunta sa doktor kung ito'y nagpapatuloy nang mahigit sa isa o dalawang linggo, lalo na kapag nakapansin ka ng dugo o slime sa iyong dumi.

source

5

Hindi inaasahang dugo mula sa bahagi ng katawan mo

Sapat na mapalad, matataranta ka ng dugo para pumunta sa isang doktor. Heto ang maaaring ibig sabihin ng hindi inaasahang pagdurugo:
Pag-ubo ng dugo – kanser o pamumuo sa baga
suka na may maitim na batik o pamumula – pagdurugo sa tiyan Itim at mabahong dumi – pagdurugo sa bituka
pagdurugo sa pagitan ng o pagkatapos makipagtalik – cervical o pagdurugo sa matres dahil sa polyps o cancer
post-menopausal bleeding pagkatapos ng pagtigil ng dalaw mo – kanser sa matres
dugo sa likido o discharge mula sa alinmang butas – pamamaga ng tisyu o kanser

source

6

Hirap sa paglunok / busog nang hindi kumakain

Ang pinakamadaling tukuyin na salarin ng hirap sa paglunok ay sore throat at tonsilitis. Subalit, maaaring mayroong mas malalim na mga problema sa loob ng lalamunan mo. Maaaring mayroon kang hirap sa paglunok dahil sa katandaan. Dahil ito ay humahantong sa mga taong hindi iniinom ang gamot tulad ng inireseta, sabihin sa doktor mo na bigyan ka ng mga likido o anuman. Maaari rin na maging dahilan ang ang neurological na mga problema. Gayunpaman, kung pakiramdam mo ay busog kahit hindi kumakain, may pakiramdam na parang ang papgkain ay nakabara sa lalamunan mo, kinakailangan mong pumunta sa doktor para sa mga isyung pangkalusugan na nauugnay sa esophagus – o kanser.

source

7

Paulit-ulit na ubo o igsi ng paghinga.

Kapag ang ubo mo ay hindi nawala sa loob ng tatlong linggo o patuloy na maiksi ang paghinga, magtungo sa isang espesyalista. Isa ay sintomas ng iritasyon ng daluyan ng hangin, ang isa naman ay nagpapakita na ang baga mo ay hindi gumagana tulad ng nararapat.

source

8

Bumabalik na sakit

Kung nakapansin ka ng pananakit na bumabalik o nagiging mas madalas at paulit-ulit, magtungo sa isang doktor, lalo na kapag ito'y sinamahan ng pagbaba ng timbang, pagkapagod o pagbabago sa pagdumi.

source

9

Nagbabagong mga blemish sa balat, hindi gumagaling na langib at ulcer

Ang nabagong blemish ay maaaring sintomas ng kanser sa balat – pinakamagandang magpa-biopsy. Pareho rin sa mga ulcer at sugat na hindi gumagaling.

source

10

Namamalat na boses/sore throat

Ulit, kung nagtatagal ang pamamalat ng boses o sore throat ng mahigit sa tatlong linggo, makipagkita sa isang doktor. Maaaring ikaw ay may bacterial infection, immune disorder, problema sa kalamnan o nerve o surprise - kanser!

source

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz