Spoiled Na Anak Na Babae Ng Dalawang Homosekswal: Milyong Dolayares Na Damitan, Libu-libong Allowance

Noong maliliit pa tayo, gusto natin na ibili tayo ng mga magulang natin, tulad ng, pinakamahal na laruang Tamagochi, isang Nokia 3310 o marami pang mga card ng Pokemon. Si Saffron Drewitt-Barlow ay nabubuhay sa panaginip nang mas mahirap kaysa sa inaakala mo. Ibinibili siya ng dalawa niyang milyonaryong ama anumang bagay ang gustuhin niya. Sina Barrie at Tony Drewitt-Barlow ay ang pinakaunang homosekswal na naging ama sa isang bata sa UK sa pamamagitan ng surrogacy, kaya si Saffron (at ang kakambal niyang kapatid na lalaking si Aspen) ang pinakaunang anak sa bansa na inirehistro na may dalawang ama at walang ina. Siya rin ay malapit sa pagiging ang pinaka-spoiled na anak sa kaharian.

Ang buwanang allowance ni Saffron ay £5000 (mga nasa P360,000), nakatanggap siya ng isang puting Range Rover para sa kaniyang ika-18 kaarawan (si Aspen ay nakatanggap ng itim nito) at ang mga tatay nito ay naglagak ng P73,000,000 sa pinakauna niyang negosyo – ang Barking Mad Cosmetics.

source

source

“Alam ko na ako'y sobrang masuwerte. Mahal nina Dad at Daddy ang mas mainam na mga bagay sa buhay, at iyon ay isang bagay na ipinasa nila sa akin," sinabi niya sa press. “Sila ay palaging napakamapagbigay at gustung-gusto ang pag-spoil sa aking mga kapatid na lalaki at sa akin. Hindi sila takot na hayaan ang mga tao na makita kung paano kami namumuhay. Sila'y matagumpay sa sarili nilang sikap, at sinasabi nila sa amin na kapag gumagawa ka ng sarili mong pera kung gayon ay maaari kang pumili kung paano mo ito gagastusin.”

source

source

Tinatawag ni Saffron si Barrie bilang Daddy at si Tony bilang Dad at iyong inaasahan nila itong bayaran ang kapital pati na rin ang pagsuporta sa kaniyang sarili ngayong malaki na siya. “Pinangaralan ako ni Daddy (Barrie) at sinabi na habang gustung-gusto nila ang pag-spoil sa akin, lumalaki na ako at oras na para kumuha ako ng isang trabaho," banggit nito.

Tony, Aspen, Saffron and Barrie Drewitt-Barlow in 2015

“Sinabi niya na siya at si Dad ay mga milyonaryo sa sariling sikap, na lumaki sa isang Manchester council estate, at gusto nila akong gumawa ng sarili kong paraan sa buhay at maging kasing tagumpay tulad nila.” Ang pinaghalong yaman ng dalawang mga ama – kabilang ang isang global na kumpanya sa medikal na pananaliksik - ay umaabot sa 2 bilyong piso (mga 54 milyong dolyares).

source

“Sobrang proud kami sa lahat ng aming mga anak, pero sinabi namin sa kanila na nilalayon naming iwanan ang marami sa aming milyones sa charity dahil gusto namin na makakuha ng trabaho ang aming mga anak at gumawa ng sarili nilang paraan sa buhay, tulad na lamang ng ginawa namin," sinabi ni Barry.

source

“Bagaman hindi kami nagsisisi sa pagpapalaki sa kanila sa layaw, tinuruan din namin sila ng pagpapahalaga sa pera at hindi namin hinahayaan na makalimutan nila kung saan kami nagmula. Hindi ko gustong magtrabaho ang alinman sa mga anak ko sa McDonald's o mag mop ng sahig para kumita ng sapat, kaya hindi ako magsisisi sa pagbibigay kay Saffron ng una niyang hakbang sa hagdanan.”

source

Gumagastos si Saffron ng libu-libong dolyares sa mga designer brand tulad ng Tom Ford at Chanel bawat taon at nae-enjoy ang cosmetics mula noong bata pa lamang siya. Kabilang ngayon sa sarili niyang produkto ang isang moisturizer na nagkakahalaga ng P2,100 at isang night cream na nagkakahalaga ng P1,800. Nakipagnegosasyon na rin ng isang deal si Saffron kasama ang Ideal World, isang TV shopping na channel.

source

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz