Sinagip Ng Mga Elepante Ang Mga Turista Sa Binahang Nepal

Ang Nepal ay tinamaan ng mga pinakamalalang ulan ng dekada, at maging ang mga elepante ay tumutulong upang sagipin ang mga na-trap na turista. Mahigit 250 mga tao ang namatay sa pagbaha at pagguho ng lupa na tumama 'di lamang sa Nepal, maging sa India at Bangladesh. Ang mga hotel ay nagdala ng mga elepante upang akayin ang mga turista patungong kaligtasan. Ngunit hindi talaga maaaring lisanin ng mga mamamayan ng Nepal ang kanilang bansa. Libu-libong mga tahanan ang nasira.

source

“Kami ngayon ay higit na magpo-pokus sa pagsagip doon sa mga na-trap sa baha at pamamahagi ng tulong. Walang makain ang mga tao, walang mga damit. Kaya kailangan naming magbigay sa kanila ng makakain at sagipin ang kanilang mga buhay,” sabi ng tagapagsalita ng pulisya ng Nepal na si Pushkar Karki. Ito ay isang mahirap na sandali para sa isang bansa na nagre-recover parin mula sa malaking lindol na pumatay sa higit 9,000 mga tao dalawang taon ang nakalilipas. Samantala, ang mga pag-ulan ay nagsisimula sa buwan ng Hunyo at nagpapatuloy hanggang Setyembre. Ang mga ito ay mahalaga para sa agrikultura, ngunit ang mga ito ay nagdudulot din ng pagkawala ng buhay at pagkasira ng mga ari-arian bawat taon.

source

source

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz