Pinagliliwanag Ng Isang Fifth Grader Ang Mga Komunidad Gamit Ang Bumbilyang Gawa Sa Bote Ng Tubig

Nakakita ng isang bagay na magagawa ang labindalawan taong gulang na si Bryan Gonzalez maliban sa paglalaro lamang ng mga video game at nakakahiyang pagtitig sa mga kababaihan. Napansin ng maliit na imbentor na ito na ilang kapitbahay malapit sa kaniyang paaralan ay walang nakabukas na ilaw. Nalaman niya na may kakulangan ang mga ito sa kuryente, siya ay nagsimulang magsaliksik upang maghatid ng ilaw sa mahihirap niyang mga kapitbahay - isang bahagi ng malawak at pandaigdigang pamilya na bumubuo sa 15 porsiyento ng populasyon ng mundo.

source

Ang kaniyang solusyon ay i-convert ang mga bote ng tubig patungong mga bumbilya. habang si Bryan ay nag-iinstall ng mga bumbilya, isang crew ng dokumentaryo ang nakakuha sa mga reaksyon at kwento ng mga benepisyaryo. Binanggit ng mga pamilya ang tungkol sa hirap sa paggawa ng takdang-aralin sa pamamagitan lamang ng kandila, ang pagod sa pagtapos ng gawain bago magdilim, at gaano kapeligroso tumira sa mga unit na bahay. “Ang mga bagay ay mag-iiba na ngayon. Ang 12 taong gulang na batang ito ay binago ang buhay ng pamilyang ito,” sabi ni Doña Sofía, isang ina at lola.

source

Napakasaya ni Bryan na makita ang epekto na nagagawa niya sa mga komunidad. Gayunman ito ang simula. Gusto niyang makita ang ibang mga bata na mabago para sa kanilang mga komunidad. Ang depinisyon ni Bryan sa salitang pagbabago ay ang “paghanap ng malikhaing mga paraan upang tumulong sa isang komunidad na lutasin ang kanilang mga problema.” Gayunpaman, sinusundan ng mga tao ang hashtag na #innovarparami upang makita kung paano ito ginagawa!

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz