Magpakita Ng Pagmamahal Para Kay Munchie Ang Sobrang Cute Na Kabayong May Dwarfism

Nakatira si Munchie sa Habitat for Horses, isang sanktuwaryo sa Hitchcock, Texas. Subalit, 'di tulad ng mga kauri nito, siya ay 21 pulgada lamang kataas (53cm). At wala talaga siyang pakialam. “Parang hindi niya napapansin kung gaano sila kalaki [ang ibang mga kabayo] o may pakialam kung gaano sila kalaki,” banggit ni Amber Barnes sa press, ang adoption at media specialist para sa Habitat for Horses. “Siya'y parang, ‘Eh ano kung malaki ka? Whatever.’”

Namumuhay ng napabayaang buhay si Munchie sa isang pag-aari sa San Antonio bago ito inilipat sa Habitat. “Siya'y mga nasa 2 buwan katanda nang ni-rescue namin siya,” sinabi ni Barnes. “Dumating siya sa isang pamilya ng maliliit na mga kabayo at gayon din ang malalaki. Iyon ay isang napakalaking kalupitan na kaso sa San Antonio. Aktwal na mayroong ilang mga kabayo na nasa pag-aari ang namatay nang makarating kami doon. Kaya iyon ay isang malungkot na kaso.” Sobrang liit niya, si Munchie ay dinala habang nasa kandungan ng isang tao sa front seat ng isang truck.

source

Sa sanktuwaryo lamang nadiskubre na si Munchie ay hindi lamang isang maliit na kabayo, kundi isang maliit na kabayong may dwarfism. Ito'y isang karaniwang isyu sa breed, dahil ang mga pabayang may-ari ay karaniwang nagpapalahi ng mga ito. Si Munchie ay medyo malusog, kahit na siya'y mayroong hindi tuwid na likuran at pang-ibabang underbite. “Kapag pinag-uusapan namin ang tungkol kay Munchie, sinasabi namin ang kaniyang kuwento at nag-uusap tungkol sa kalagayan ng ibang mga kabayo,” banggit ni Barnes. “Siya'y isang magandang halimbawa.”

source

source

source

source

source

Higit pa!

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz