Isa sa Pinakamaliit Na Sanggol Sa Mundo Ay Tumitimbang Lang Tulad Ng Isang Chocolate Bar

Si Manushi ay isinilang na 12 linggong mas maaga at tumitimbang lamang ng 0.399 na kilo (mga 400 gramo), tulad na lamang ng isang malaking bar ng Cadbury. Isinilang siya sa Rajasthan, bansang India, at siya'y 8.6 pulgada lamang kahaba, ang kaniyang paa ay hindi lalaki pa sa kuko ng hinlalaki ng ama nito. Si Manushi ay pinaniniwalaang ang pinakamaliit na nakaligtas na sanggol na isinilang sa Asya kahit kailan. Isinilang siyang hindi humihinga, kasing nipis ng papel ang balat at ang mga organ ay hindi pa lubusang naka-develop, pero siya ay inilabas mula sa ospital pagkatapos ng anim na buwang pananatili, tumitimbang ng 2.3 kilo.

"Lumaban siya nang lumaban, pero nagawa niya," sabi ng kaniyang mga magulang na sina Seeta, 48, at amang si Giriraj, 50 taong gulang. Si Manusha ay mayroong 5% tiyansa ng pag-develop nang walang pinsala sa utak, ngunit sinasabi ng mga doktor na mukha siyang normal sa intelektuwal na aspeto. "Nang isinilang ang sanggol, hindi kami tiyak kung anong mangyayari," banggit ng isa na nagngangalang Dr. Janged.

source

source

"Hirap siyang huminga, kaya kaagad na inilagay sa advanced respiratory support ventilator para i-expand ang napakaliit at wala pa sa hustong gulang niyang mga baga. Hindi siya mapakain nang sapat dahil sa immaturity ng kaniyang sikmura. Kinailangan namin na simulan ang bata sa ganap na parenteral nutrition, na kung saan nangangahulugan ng pagbibigay ng lahat ng kinakailangang mga sustansya tulad ng mga amino acid, lipid, carbohydrate, mineral, multivitamin at trace element, direkta patungo sa sirkulasyon ng kaniyang dugo."

source

source

source

source

source

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz