Iiwanan Kang Malungkot Ng Dahilan Kung Bakit Dumating Ang Batang Ito Sa Paaralan Na May Nagyeyelong Buhok

Isang bata mula sa lalawigan ng Tsina ang nagiging isang internet sensation pagkatapos kumalat sa social media ang litrato niya na may nagyeyelong buhok. Kinailangan ng batang lalaki na maglakad ng 4.5 kilometro (2.8 milya) papuntang paaralan sa ilalim ng malupit na umaga ng taglamig. Naglakad ang bata sa loob ng isang oras sa -9 C (15.8 F) na temperatura para makapag-exam sa isang maliit na bayan ng Shaotong, Yunnan Province sa katimugang Tsina.

Si Wang Fuman ay walong taong gulang na mag-aaral sa ikatlong baitang na nakatira kasama ng kaniyang lola at nakatatandang kapatid na babae sa isang simpleng bahay na gawa sa putik. Ang kaniyang ama ay isang migranteng manggagawa sa ibang siyudad. Iniwan silang pareho ng kanilang ina. Walang rin pahinga sa paaralan niya dahil ang silid-aralan ay hindi pinaiinitan.

source

Hindi inaasahang bumagsak ang temperatura pagsapit ng umaga sa oras ng exam. Bumungisngis sa nakakatawa niyang itsura ang kaniyang mga kaklase, pero hindi nito nabagabag ang bata. Ipinahahayag ng punong-guro ng paaralan na siya ay isang masipag na estudyante, na likas na matalino sa matematika. Sa katunayan, nakatanggap siya ng 99% sa pagsusulit na pinilit niyang makuha sa kabila ng lamig!

source

Boy lives in a house made of mud

Si Fuman ay may frostbite sa kaniyang mga kamay dahil sa pagtulong sa kaniyang lola sa paggawa ng mga trabaho sa bukirin. Hindi pa niya nakikita ang kaniyang ama sa loob ng buwan at nami-miss na ito nang sobra.

source

Wang Fuman has very cracked hands, because there is no heating in class

source

School gates

source

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz