Ibinigay Ng Ina Ang Kanyang Buhay Para Isilang Ang Kanyang Sanggol

Ngayong Taon, si Carrie DeKlyen, 37, ay nabuntis sa ika anim na beses. Gayunpaman, nabalitaan niya ito isang linggo lamang pakatapos siyang ma-diagnose na may glioblastoma multiform (GBM) isang agresibong tumor na mabilis tumutubo sa gulugod o - sa kaso ni Carrie - sa utak. Kung gusto niyang mabuhay, kailangan niyang wakasan ang kaniyang pagbubuntis at simulan agad ang gamutan. Gayunpaman, si Carrie, isang debotong Kristiyano, nais na ipagpatuloy ang pagsilang.

“Sinabihan siya ng doktor na kung hindi niya ihihinto ang kanyang pagbubuntis, siya ay mamamatay," sabi ni Nick, ang ama. "Ngunit si Carrie sy tila hindi nababahala. Tinanong ko siya, ‘ano ang gusto mong gawin?’ at ang kanyang tugon, ‘Pananatilihin namin ito'.”

source

Akala ng mga doktor ay maililigtas nila si Carrie kung maaga siyang magsisilang at pagkatapos ay sisimulan agad ang gamutan. Si Life Lynn ay isinilang na may timbang na medyo mas higit sa isang pound, pagkatapos ng pagbubuntis ng 24 na linggo at limang araw.

source

Gayunman, si Carrie ay hindi nailigtas at namatay siyang napapalibutan ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Siya at si Nick ay nagkakilala sa simbahan nang siya ay 12-taong gulang lamang. “Kapag ang anak natin ay nasa tamang edad na, ikukwento ko ang tungkol sa kaniyang matapang na ina,” ang sabi ni Nick sa emosyonal na pakikipanayam.

source

“Sasabihin ko sa kanya na binigay sa kaniya ng Diyos ang regalo ng buhay na may kahanga-hangang plano sa isip at hindi tayo sigurado kung bakit kailangang magkasakit ni mommy at sumakabilang-buhay, ngunit itong lahat ay isang espesyal na plano at dapat natin itong pagkatiwalaan. Minahal ng aking asawa ang Panginoon at minahal niya ang kaniyang mga anak higit pa sa anumang bagay. Ito'y masakit pero ito ang gusto niya."

source

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz