Human Ken Doll Naglabas Ng Mga Litrato Kung Anong Itsura Niya Bago Ang 58 Operasyon

Ang Brazilian na si Rodrigo Alves ay kadalasang kilala bilang ang “Human Ken Doll" dahil sa kaniyang pagkahumaling sa plastic surgery. Simula pa noong siya ay nasa edad 17, tiniis niya ang 58 mga cosmetic surgery, kabilang ang mga butt lift, nose job, chest implant, hair implant at... artipisyal na eight-pack ab na surgery. Hindi lang kakaiba ang tunog noon, pero umabot din ang lahat ng trabahong iyon ng 29 milyong piso! Hindi nakakagulat, iniisip ni Rodrigo na ang plastic surgery ay hindi dapat bawal, at iyong ang pagbabago ng itsura ay mayroong higit na mga benepisyo kaysa sa mga panganib.

source

Si Rodrigo ay nagbahagi kamakailan ng mga litrato mula noong bago pa man siya naging ang "Human Ken Doll." Katuulad siya ng isang normal at cute na bata. Subalit, ipinahahayag ni Rodrigo na siya ay na-bully sa paaralan, na pinagtatawanan ng mga bata ang kaniyang "malapad na ilong," na humantong maging sa pagdukdok sa kaniyang mukha sa isang ihian. Ipinakikita ng mga larawan kung paano ang itsura niya bago din sumailalim sa 16 na mga liposuction surgery.

source

source

Noong bata pa siya, nahumaling si Rodrigo sa mga prinsipe sa Disney at gustong maging isa sa mga ito sa totoong buhay. Ipinapahayag niya na siya ay isinilang sa maling katawan, at ang plastic surgery ang paraan niya para ayusin ito. At habang iniisip ng mga tao na hindi natural ang itsura niya, hindi niya ito masyadong inaalala. “Nakakakuha ako ng napakaraming atensyon dahil sa artipisyal kong itsura,” sinabi ni Rodrigo sa media. “Pero sa wakas ay mahal ko na rin ang aking sarili at iyon ang pinakamahalagang bagay sa lahat.”

source

source

“Maaaring isipin ng mga tao na baliw ako,” patuloy nito. “Hindi ako baliw. Nagkaroon ako ng sikolohikal na tulong. Ako ay isinilang sa maling katawan.” Nakialam ang kaniyang pamilya pagkatapos nilang makita ito matapos ang ilang mga operasyon. Ipinadala si Rodrigo sa isang therapist at na-diagnose na may Body Dysmorphic Disorder, isang kondisyon na nagbibigay sa mga pasyente ng isang magulong pananaw ng kanilang pisikal na itsura.

source

Naniniwala si Rodrigo na siya ang perpektong tagapagsalita para sa mga taong may Body Dysmorphic Disorder. Nagtatrabaho siya kasama ang Aesthetic Academy sa Estados Unidos, nagsasalita tungkol sa negatibong pananaw ng plastic surgery at kung paano makakatulong ang surgery sa mga taong may parehong disorder.

source

source

source

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz