Ginawang Kalakasan Ng Modelong May Iisang Kamay Ang Kaniyang Kahinaan Patungong Tagumpay

Si Shaholly Ayers ay may congenital amputation - isinilang siya na walang kanang kamay sa ibaba ng kaniyang siko. Dahil dito ay na-disqualify siya mula sa kuponan ng basketball ng kaniyang paaralan, at naging dahilan upang tanggihan siya sa kolehiyo ng isang ahensiya sa pagmomodelo. Gayunman, 'di sumuko si Shaholly at kahit pa inabot siya ng 10 taon, siya ay naging isang modelo. "Walang anumang paraan para maging isa kang modelo dahil wala kang dalawang braso. Sinubukan ko ipaliwanag — mayroon akong prosthesis, pwede ko isuot iyon — sinusubukan ko talagang ibenta ito," paggunita ni Shaholly Ayers.

Napakabago ko, ako'y napakamura pa. Wala akong portfolio o anuman. Kinailangan kong magsimula mula sa pinakaumpisa. Nakipagtrabaho ako kasama ang mga photographer at makeup artist upang buuin muna ang portfolio ko, at pagkatapos ay nagsimula akong pumunta sa mga lokal na boutique at sinabi na magmomodelo ako para sa kanila. Gumana iyon." Kamakailan, si Shaholly ay natapos ang isang shoot para sa isang Nordstrom catalog, na kung saan ay pangatlo nilang pagtutulungan. Lumabas rin siya sa isang runway sa New York Fashion Week. Minsan, ni hindi niya sinusuot ang prosthetic!

source

source

source

source

source

source

source

source

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz