Babae Inampon Ang 'Di Inaasahan at Naghihingalong Aso Pagkatapos Mawala Ng Kaniyang Asawa

Noong si Melani Andrews ay nagtungo sa Front Street Animal Shelter sa Sacramento, California at humiling para sa "pinakamatandang aso na mayroon sila, at walang sinuman ang gustong umampon," batid nila kung anong gusto nito. Si Jake, isang 12 taong gulang na aso na dumating bilang isang asong gala, ay nagdurusa mula sa isang pangit na balat, pangit na ngipin at gayun din mula sa 'di nagagamot at nakamamatay na kanser. Siya ay tinatanggihan dahil sa kaniyang edad at mga problema sa kalusugan, ngunit isa parin siyang mabait na aso!

source

Iyon din ang naisip ni Melani (sinabi rin niya na mukha itong "cute"). Pagkatapos nila gumugol ng ilang oras na magkasama sa kanlungan, sinabi niya na "siya ay uuwi kasama ko." Ang buhay ay hindi naging madali para kay Melani sa mga nakaraang taon. Namatay ang asawa nito noong Enero; ang kaniyang aso naman isang buwan pagkatapos. Gusto niya magbahagi ng buhay kasama ang isang tao."

source

Nababagay si Jake dito. Kahit na ito'y hindi masyadong malusog para pumunta sa beach, napakasaya niya na mapunta sa bakuran "at pahirapan ang aso sa katabing pintuan sa pamamagitan ng isang butas sa bakod." Sila rin ay naglalakad-lakad palibot sa kapitbahayan, pagkatapos si Jake ay mamamaluktot sa blangket na nasa isang upuan, o sa kama ni Melani.

source

source

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz