9 Na Mga Bagay Na Talagang Dapat Mo Linisin Araw-Araw

Naku, ang paglilinis ay talagang nakakainis! Alam mo na ang bagay na iyon ay magdudumi ulit, kaya bakit pa mag-aabala? Buweno, dapat ka mag-abala, dahil ang bakterya at iba pang mga marurumi ay hindi natutulog kahit kailan.

Ang mga ito'y laging nagbabantay para makahanap ng mga paraan para gawing masalimuot ang iyong buhay. Iyan ang dahilan kung bakit dapat kang maglinis na may pagtitiyaga at taimtim.

Subalit, may mga bagay na hindi halata sa pangangailangan nila ng mapagbantay na paglilinis at patuloy na pangangalaga. Kinolekta namin ang mga ito sa isang kapaki-pakinabang na listahan na maaari mong sanggunian kapag nagpaplano kang linisin ang iyong bahay sa susunod. Silipin ito at tingnan kung paano ang maraming mga bagay ay patuloy na nakakalusot sa iyong atensyon!

1

Mga tuwalyang pangkusina

source Ang mga tuwalyang pang-kusina ang ilang pinaka-contaminated na mga bagay sa paligid ng bahay at dapat na palitan kada ilang araw. Gayun din ang tuwalya sa banyo sa mas malaking mga pamilya.

2

Mga susi

source Ang mga susi ay hinahawakan ng marurumi nating mga kamay, nananatili sa marurumi nating mga bulsa at nahuhulog sa marurumi nating mga sahig. Nagdadala ang mga ito ng labis na bakterya patungo sa ating bahay, ito'y katawa-tawa.

3

Mga tiles sa banyo

source Kakila-kilabot linisin ang mga tiles ng banyo mo sa sandaling dumumi ang mga ito, kaya iwasan iyon sa pamamagitan ng pagpupunas ng mga ito bawat shower. Ang pagpunas sa moisture ay magpapanatili sayong malayo mula sa bakterya, amag at iba pang mga bagay.

4

Ang espongha

source Kinukuskos mo ang tira-tirang pagkain gamit ito, siyempre ito'y marumi. Isang magandang paraan upang i-sanitize ito ay sa pamamagitan ng pag-microwave sa isang basang espongha sa loob ng isa hanggang dalawang minuto (kinakailangan mong mag-monitor para sa usok). Siyempre, ang payong ito ay hindi umuubra sa mga esponghang may bakal na pangkuskos.

5

Lababo

source Hinuhugasan mo ang iyong mga kamay at lahat ng mga bakterya ay dumidikit sa lababo. Oras na para gumawa ng isang bagay tungkol dito.

6

Mga hugasing plato na nakababad sa tubig

source Pinakamagandang hugasan ang lahat pagkatapos kumain.

7

Coffee maker

source Ito'y isang hotbed para sa bakterya at gayong mga bagay. Kaya kalasin ito at linisin ang bawat bahagi ng mga panggiling, amag at moisture.

8

Mga tadtaran

source Ibabad ang mga kahoy na tadtaran o sansye sa isang halo ng suka at tubig (1:1) sa loob ng ilang minuto matapos ang pagluluto. Upang i-disinfet ang tadtaran, mag-apply ng solusyon ng 1 kutsaritang baking soda sa kalahating litrong mainit na tubig sa ibabaw nito. Hayaan ito sa loob ng 5 hanggang 10 minuto, pagkatapos ay banlawan ng umaagos na tubig.

9

Mga brush at espongha ng make up

source Ang pangmatagalang paggamit ng mga brush at espongha ay nag-iimbita ng bakterya para mamugad sa loob ng mga ito. Linisin ang mga ito sa maligamgam at masabong tubig pagkatapos gamitin.

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz