8 Kahanga-hangang Pagbabago Ng Dating Mga Adik Sa Droga Na Magpapahanga Sa'yo

Ang nakamamatay na mga overdose ay nangunguna sa listahan ng aksidenteng mga pagkamatay sa Estados Unidos at sa buong mundo. Maging ang mga aksidente sa trapiko at pamamaril ay nalampasan nito. Ipinakikita ng datos na mahigit 7 milyong mga Amerikano ang nalulong sa taong 2014. Ito ay isang bagay na seryoso't mabigat na bagay na sumisira sa buhay ng isang adik at mga buhay ng mga taong nakapaligid sa kanila. Iyon ay hindi para sabihin na imposibleng maka-recover. Sa katunayan, maraming matatapang na mga tao ang nakipaglaban sa kanilang adiksyon – at nagwagi. Heto ang mga kwento ng 8 matatapang na mga tao na sa isang punto ay naligaw ng kanilang landas tungo sa pagdodroga, na naka-recover pagkatapos. Ang mga pagbabago ay kagila-gilalas.

#1

Ibinahagi ni Dejah Hall ang kaniyang mga larawan ng pagbabago sa Facebook. Ito ay isang 26 na taong gulang na ina at mag-aaral mula sa Glendale, Arizona, na mayroong isang bagay upang ipagdiwang: siya ay malaya mula sa droga apat na taon na!

source

"Ngayon ang tanda ng ika-4 na taong malinis mula sa heroin at meth," isinulat ni Dejah sa caption. Ang larawan sa kaliwa ay kinuha sa araw na siya ay naaresto dahil sa mga warrant sa karahasan. Humantong ito sa 2 taong limitasyon sa kulungan, na kung saan nagtakda sa kaniya patungo sa landas ng pagiging mahinahon. Ngayon, nilalayon niyang kumumpleto ng isang BA at maging isang minstro sa kulungan upang makatulong sa ibang tao.

#2

Nagsimulang magkaroon ng mga problema sa adiksyon si Alyssa Gaudinier noong siya ay 10 taong gulang pa lamang: nahanap niya ang taguan ng alak ng kaniyang magulang. Gumagamit siya ng molly, ecstasy, meth at heroin pagtapak ng 14.

source

"Ni hindi na makilala ng sarili kong pamilya kung sino ako. Ni hindi ko na makilala kung sino ako," sinulat ni Alyssa. Ang unang limitasyon niya sa rehab ay nagtapos sa isang relapse. Ang ikalawa ay gumana, bagaman, siya ay malinis na mahigit isang taon na ngayon. Ang 20 taong gulang ay nagtatrabaho ngayon bilang isang guro sa daycare.

#3

Ang kapatid na babae ng user sa Reddit na nagngangalang Wormguy666 ay pinahintulutan siyang ibahagi ang mga larawan ng kaniyang noon at ngayon. Siya ay dating adik sa meth na gustong ibahagi ang pagbabago sa iba upang makita ng mga tao "ang mga epekto na maaaring magawa ng meth sa'yo at umasang magbigay inspirasyon sa ilang mga tao na nasa adiksyon o nasa proseso ng pag-recover."

source

"Ni hindi ko napansin kung paano nakakadiri ang aking itsura habang gumagamit ako hanggang pagkatapos maging malinis at mapagtanto kung gaano kasuklam-suklam ang itsura ko. Ako'y nasa 5'4 talampakan ang tangkad at 110 libra sa unang larawan at ngayon ako'y nasa isang malusog na bigat na 130 libra at pinagmamalaki ito," kaniyang isinulat.

#4

Naadik si Graham MacIndoe sa cocaine ng ilang sandali pero pagkatapos ay lumipat siya sa Lungsod ng New York, kung saan siya ay nagsimulang gumamit ng heroin. Ang kaniyang adiksyon ang nagpunit ng isang pagitan sa pagitan niya at ng mga taong kaniyang minamahal. Si Graham ay labis na naging mag-isa. Subalit, ginugol niya ang apat na buwan sa detensyon ng imigrasyon at higit pang oras sa isang rehab program, na kung saan ay nagtakda sa Scottish na photographer na ito tungo sa tamang landas nito.

source

Bilang isang photographer, idinokumento ni Graham ang kaniyang nakapipinsala sa sariling pag-uugali sa mga larawan. Ilang mga taon pagkatapos tumigil sa droga, binago niya ang kaniyang kwento sa larawan patungo sa isang art display sa National Galleries of Scotland.

#5

Si Brooke ay si bilderbackbrooke sa Instagram. Ginagamit niya ang kaniyang account upang ipakita sa mundo kung paano makabalik sa tamang landas ang isang adik sa droga, kahit pa kailanganin nilang subukan ng subukan. Bilang partikular, nagdaan si Brooke sa 12 subok upang matanggal ang adiksyon niya sa heroin at meth. 8 buwan na siyang matino nang kunin ang larawan - ang pinakamatagal niyang naabot nang walang droga.

source

#6

Ang user ng Imgur na si jermwithaj ay nagdesisyon para magtino higit sa isang taon nakalipas. Sa puntong iyon, siya ay gumagamit ng heroin at meth sa loob ng 9 na taon.

source

"Ngayong araw, ang aking buhay ay iba. At iyon ang lahat na maaari kong asahan hanggang sa huli. Hindi isang mas magandang buhay, dahil hindi ko dama na alinmang bagay ang mas gaganda... pero sadyang isang bagay na iba," isinulat niya.

"Ito ay kung ano ang itsura para sa akin ng 6 na buwang pagsisikap at pangako. Maaari ko na ngayon malaman kung ano ang pakiramdam ng kaligayahan at katahimikan. Nakakatulong ako sa iba habang ikinukuwento ko ang aking istorya at ibahagi ang aking solusyon. Sa pamamagitan noon, ay maaari kong gawin lahat ng negatibo mula nakaraan patungong positibo ngayon. Kung ikaw ay nahihirapan, mangyaring humingi ng tulong sa isang tao at hanapin sa kaibuturan ng lahat na mayroon ka upang makita ang pagiging buo ng kalooban para magbago. Sulit ito, pinapangako ko sa'yo."

#7

Nakipaglaban si Courtney sa isang napakaseryosong adiksyon sa heroin – at nagtagumpay. Binuksan ng 24 na taong gulang na inang ito ang sarili tungkol sa kaniyang laban sa isang post sa Reddit nakaraang Setyembre.

source

"Sa wakas ako ay nakarating sa isang punto kung saan ang lahat ay tila masamang panaginip. Nangailangan ito ng maraming pagsisikap at disiplina," isinulat niya, 826 na araw nang matino sa oras na iyon.

"Ang larawan sa kanan ay ibang tao na. Iyan ay isang taong minamahal ang kaniyang sarili. Humaba na ang aking buhok, tumigil sa pagbunot ng aking sarili hanggang magdugo, at hindi man ako kasing payat tulad ng gusto ko, malusog ako! Iyan din ay isang babae na nagdiriwang ng kaniyang anibersaryo sa kaniyang kasintahan na noon ay nakita siya sa kaniyang pinakamalala at sinusubukang ayusin ang sarili nito."

#8

Nagsimula si Andi Peterson na gumamit ng droga sa edad na 16. Siya ay naging adik sa opiates sa murang edad na 18 pagkatapos na resetahan siya ng isang doktor ng Percocet kasunod ng kaniyang emergency sa C-section. Habang ginagawa ng droga na maganda ang kaniyang pakiramdam, naipakulong din siya nito at inalis ang kustodiya sa kaniyang anak na lalaki. Inabot siya ng apat na taon upang manalo sa kaniyang adiksyon.

source

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz