10 Iba't Ibang Uri ng mga Pananakit ng Ulo (at anong dapat gawin sa mga ito)

Ang mga pananakit ng ulo ay nakapangingilabot. Saan ba sila nanggagaling? Ano ang dapat nating gawin sa mga ito? Bakit, magbasa at alamin! Babalangkasin namin ang ilang pangkaraniwang mga uri at ano ang maaaring gawin upang labanan ang mga ito.

1

Mga Allergy

Ang mamasa-masa at makating mga mata ay madalas may kasamang pananakit ng ulo dahil sa allergy, kaya maaari mong maramdaman ang pananakit sa kabuuan ng ulo at mukha.

Ang mga ito ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng mga medikasyong antihistamine at cortisone, na kung saan ay maaaring ireseta sa'yo ng isang doktor para sa iyong mga allergy, panapanahon o hindi.

2

Sinus

Ang mga pananakit ng ulo na ito ay karaniwang nararamdaman sa noo, sa paligid ng mga mata at pisngi, na karaniwang lumalala sa umaga.

Anumang nakatutulong sa naapektuhang mga sinus, ay makatutulong rin sa mga pananakit ng ulo. Kaya, alam mo na, mga antibiotic (huwag maggamot ng sarilinan!) at/o mga nasal decongestant. Kung mayroon ka ng mga ito nang mas madalas kaysa sa iba, magpakonsulta sa iyong doktor upang makita kung ang mga ito ay hindi isang sintomas ng ilang iba pang problema sa kalusugan.

3

Stress

Ang isang “headband” ng pangingirot sa paligid ng iyong noo ay nangangahulugan na ikaw ay mayroon isang pananakit ng ulo dahil sa stress mula sa pagtatrabaho ng sobra o anu pa mang ibang isyu na ikaw ay mayroon sa iyong buhay.

Makatutulong ang pagrelaks, paghinga ng tama at pagme-meditate, gayun din ang pangangasiwa sa stress.

4

Kumpol na mga pananakit ng ulo

Ang mga ito ay matinding pag-atake sa paligid ng mga mata, maaaring magdulot upang mamasa ang mga mata, baradong ilong at maaari rin ang ilang pamamaga. Walang sinuman ang nakakaalam kung bakit nangyayari ang mga ito (maaaring ang genetika ang dahilan, ngunit gayun din ang alkohol at paninigarilyo), at ang pinakamagandang paraan upang harapin ang mga ito ay resetang medikasyon.

5

Pananakit ng ulo dahil sa Caffeine

Pumipintig-pintig na mga pananakit ng ulo na maaaring maramdaman ng mga taong malakas uminom ng kape pagkatapos gumugol ng oras na wala nito. Buweno, ang caffeine ay isang droga at dumaranas ka ng withdrawal! Ang pinakamagandang paraan upang harapin ang mga ito ay ang pagbabawas sa pag-inom ng kape o tumigil sa pag-inom nito nang tuluyan.

6

Migraine

Karaniwang nasa isang bahagi ng ulo, sumasakit ng madalas at tumatagal. Karaniwang tumatakbo sa pamilya, kaya pasalamatan ang iyong mga magulang. Maaaring makatulong ang medikasyon at biofeedback, gayun man.

7

Tensyon

Pananakit ng ulo dahil sa tensyon sa sentido, likod ng ulo, at ibaba ng leeg (ang mga ito ay maaaring kirot sa leeg, har har). Ang mga ito ay sanhi ng pisikal at emosyonal na stress.

Makatutulong ang pangangasiwa sa stress, aspirin, at mga over the counter na medikasyon.

8

Temporomandibular Joint (TMJ)

TMJ, nararamdaman sa sentido at panga, at minsan dumarating na may kasamang isang napakasakit at nagki-click na ingay sa sentido tuwing ang panga ay ginagalaw, ibig sabihin, ang iyong panga ay wala sa linya. Makatutulong ang pagrerelaks ng muscle at pagwawasto sa pagkagat.

9

Isyu sa Panunaw

Nararamdaman patawid ng noo at sa mga mata at sentido, sila ay mga palatandaan na ikaw ay kumain ng isang bagay na mali, hindi ka kumain (oo, ang gutom ay dumarating na may kasamang pananakit ng ulo) o sobrang pag-inom ng alkohol.

Kung nangyayari ang mga ito nang madalas, kinakailangan mong muling tayahin ang iyong diyeta, kumonsulta sa isang doktor tungkol sa iyong plano sa diyeta at siguro ay magbawas sa pag-inom.

10

Giant Cell Arthritis

Pananakit ng ulo at malambot na anit, gayun din ang pangingirot sa panga at mga problema sa paningin ay palatandaan ng pamamaga sa lining ng mga arteries. Maaari itong humantong sa pagkawala ng paningin at pagtaas ng peligro sa stroke.

Ito ay seryoso at nararapat kang pumunta sa isang doktor!

Source

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz